ADVISORY: Paalala sa publiko ukol sa paggamit ng pangalan ng Credit Information Corporation (CIC) ng mga online lending platforms

Muling pinaalalahanan ng CIC ang publiko na kailanman ay hindi ito nagkaroon ng kaugnayan sa pangongolekta ng utang o pagpapadala ng payment notice ng alinmang lending, financing, at online lending platforms (OLPs). 

Nais din iklaripika ng ahensya na ito ay hindi nagsasagawa ng ‘blacklisting’ sa mga indibidwal o kompanya na nasa database nito dahil ito’y hindi saklaw ng mandato ng ahensya. 

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang advisory mula sa CIC.